Wednesday, May 26, 2010

SUPER Mom!

Paksa : Pagsulat ng anekdota tungkol sa isang ina.

SUPER Mom!

Ang ating ina ay may iba't-ibang katangian. Isa sa magandang katangian ng aking ina ang pagiging matulungin. Hindi lang niya iniisip ang kanyang sariling pamilya kundi pati na rin ang kapatid niya na hindi pa rin nakakapagtapos ng pag-aaral.

Noon, nagtatrabaho siya sa Pizza Hut. Siya ang ina na mahilig magtago ng kanyang mga problema sa kanyang sarili. Hindi niya gustong ipa-alam ninuman dahil ito raw ay personal at hindi niya gusto na kami ay mag-alala para sa kanya. Siya pala ay may malaking problema. Wala siyang pambayad sa tuition ng kanyang kapatid at pambayad sa kuryente na tatlong araw na lang ay puputulan na kami.

Ginawa niyang magsikap at mangutang upang makapag-ipon siya ng pera. Gumawa siya ng paraan upang maka-ahon sa problemang ito. Nagtinda siya ng mga binalot na pagkain upang hindi na lumabas sa store ang mga crew sa kanilang store.

Sa huli, nakayanan din niya ang suliraning ito. Kahit kailan ay hindi siya sumuko as mga dagok na dumadaan sa kanyang buhay. Sa halip, siya ay mas naging pursigido na harapin ang mga suliranin na maaaring dumating sa kanyang buhay.

No comments:

Post a Comment