Friday, May 28, 2010

Tatlong Araw

Paksa : Pagsulat ng isang tula tungkol sa kalayaan

Tatlong Araw

tatlong araw lang pala
ako naging maligaya
di ko man lang napuna
tatlong araw ko’y tapus na
araw ng kalokohan aking kinagalakan
di ko naunawaan na ako’y masusugatan
di ako makapaniwala at ako’y natulala
lumululong lumalala ngunit bat biglang nawala
tatlong araw lang pala ako naging maligaya
di ko man lang napuna tatlong araw ko’y tapus na
tatlong araw naging masaya isang taong lumuluha
bakit mo kaya nagawa
bakit ka hindi naawa ngunit kung mapagbibigyan
ang patalim ay hahawakan
kahit na magmukhang timang basta magkabalikan
tatlong araw lang pala ako naging maligaya
di ko man lang napuna tatlong araw ko’y tapus na
tatlong araw lang pala diman lang ginawang lima
di ko man lang napuna tatlong araw ko’y tapus na
talong araw

Wednesday, May 26, 2010

Pangako : Daling sabihin, daling sirain

Paksa : Pagsulat ng isang sanaysay

Pangako : Daling sabihin, daling sirain

Alam nating lahat na ang pagpangako sa isang tao ay hindi madaling gawain. Ito'y mahirap sapagkat may posibilidad na hindi natin matupad ang ating ipinangako. Bilang isang indibidwal, may mga pangako akong natupad at 'di natupad.

Sa panahon ngayon, mahirap na mangako. Ito ay dahil sa hindi tayo nakakasigurado kung matutupad ba talaga natin ito. Ngunit, ang pangako ay pangako. Ito ay dapat nating tuparin dahil nga tayo ay nangako. Sa ibang salita, ang pangako ay dapat nating tuparin maging ano man ang kahihinatnan nito.

Ang pangako nga ay kay daling sabihin ngunit, ito rin ay madaling sirain. Totoo nga, minsan ang pangako ay nagagawa nating sirain. Ito ay marahil hindi natin ito natupad o hindi kayay hindi natin sinubukang tuparin. Bilang isang indibidwal, ako'y naniniwala sa kasabihang, "Ang pangako ay madaling sabihin, at madali ring sirain."

Lubos na Pagmamahal

Paksa : Pagsulat ng tula tungkol sa pag-ibig.

Lubos na Pagmamahal

O mahal ko'y lubos kitang iniibig
Ang pag-ibig ko'y totoo at ligalig
Ito'y puno ng iba't-ibang mga himig
Ni kailanman ay hindi nadadapig

Ngunit ako'y iniwan mong nag-iisa
Bawat oras 'ka'y akong inaalala
Iniisip ang nakaraang ligaya
Umaasa na ikaw ay bumalik pa

Nasaan ka? Ba't ako'y iniwan mo na?
Ito ba ay dahil nagsawa ka?
Wala na ba talaga akong pag-asa?
Ni munting ngiti mo ay wala na

Sana ay bumalik ka pa sa piling ko
Inaasahan ko ang iyong pagdalo
Tinitiis ang hapdi na aking natamo
Ang lahat ng ito'y para lang sa iyo

Simbolismo sa Noli Me Tangere

Paksa : Simbolismo sa Noli Me Tangere


1. Bahay ni Kapitan Tiyago (Simbolo ng maling pamamahala)

• Bahay na pinagdarausan ng handa at may kababaan at di-gaanong wasto ang kayarian sanhi marahil sa di-mabuting pagkakasipat ng arkitektong nagtayo o di kaya'y sa mga nagdaang lindol o bagyo.

◘ Ang kababaan ng bahay ni Kapitan Tiyago ay sumisimbolo sa babang moralidad ng mga Espanyol sapagkat nagawa nilang tapakan ang mga Pilipino na siyang may-ari ng bansa.


2. Bayan ng San Diego (Simbolo ng walang kaunlaran)

• Ang inaani ng mga magsasaka tulad ng asukal at bungangkahoy ay ibinibili ng mga intsik sa murang halaga. Madilim ang gubat dahil sa kakapalan ng mumunti.
◘ Ang bayan ng San Dieo, bagaman may pinagkukunang yaman, sapat pa rin ito para sa pangaraw-araw na kinakailangan ng mga magsasaka. At sa muling pagbalik ni Ibarra pagkatapos ng pitong taon, wala pa rin itong pagbabago.


3. Sisa (Simbolo ng Pamilyang Pilipino)

• Unti-unting binibili o ipinagbili ng asawa ni Sisa ang mga alahas niya at tinitiis niya ang pananakal nito.

◘ Malaki ang ginagampanan ng isang asawa at ina. Tinitiis nito lahat sa pag-aakalang dapat tiisin ang sinimulan at ito ay lalabanan.

Tunggalian ng Noli Me Tangere

Paksa : Pagsulat sa tunggalian ng Noli Me Tangere

A. Tunggalian ng Tao laban sa Tao : Pag-igting ng pangyayari dulot ng pangyayari sa isang tao at kapwa tao.

• Ang tunggaliang ito ay naipakita nina Sida at Doña Consolacion. Ang pangyayaring ito ay naganap nang inutusan ni Doña Consolacion si Sisa na kumanta at sumayaw gamit ang wikang Kastila na siyang nakapaglito kay Sisa. Pinahinto ni Doña Consolacion si Sisa dahil sa malungkot at emosyonal nitong kanta at sa paggamit ng wikang tagalog na naging dahilan sa pagkahiya ni Doña Consolacion.

B. Tunggalian ng Tao laban sa Lipunan : Ang pagkabigo o pagkatagumpay ng tao sa mundong ginagalawan.

• Ang tunggaliang ito ay napapakita ng karanasan ng isang guro noon. Ang mga paaralan sa unang panahon ay matatagpuan sa silong ng kumbento at sa tabi ng karwahe ng kura. Ikinagalit ni Padre Damaso ang malakas na boses ng mga bata sa pagbabasa. Dahil dito, hinamak ang guro ng mga kura.

C. Tunggalian ng Tao laban sa Sarili : Tunggaliang umigting sa pagitan ng isang tao at sa kanyang sarili.

• Maigting ang ganitong sitwasyon sa karanasan ng isang guro ng matuklasan niyang hindi makakatulong ang pamamalo sa pag-aaral ng mga bata.Dahil dito, pinalitan niya ang paraan ng kanyang pagtuturo. Ipinatawag siya ng kuro dahil sa pagtigil ng pamamalo niya sa mga bata aty iniutusang ibalik ang pamamalo. Pati na rin ang mga magulang ng mga bata ay magdedesisyong patigilin ang mga bata sa pag-aaral kung walang pamamalo. Pinilit na lamang ng guro na ibalik ang pamamalo kahit na labag ito sa kanyang kalooban.