Friday, May 28, 2010

Tatlong Araw

Paksa : Pagsulat ng isang tula tungkol sa kalayaan

Tatlong Araw

tatlong araw lang pala
ako naging maligaya
di ko man lang napuna
tatlong araw ko’y tapus na
araw ng kalokohan aking kinagalakan
di ko naunawaan na ako’y masusugatan
di ako makapaniwala at ako’y natulala
lumululong lumalala ngunit bat biglang nawala
tatlong araw lang pala ako naging maligaya
di ko man lang napuna tatlong araw ko’y tapus na
tatlong araw naging masaya isang taong lumuluha
bakit mo kaya nagawa
bakit ka hindi naawa ngunit kung mapagbibigyan
ang patalim ay hahawakan
kahit na magmukhang timang basta magkabalikan
tatlong araw lang pala ako naging maligaya
di ko man lang napuna tatlong araw ko’y tapus na
tatlong araw lang pala diman lang ginawang lima
di ko man lang napuna tatlong araw ko’y tapus na
talong araw

Wednesday, May 26, 2010

Pangako : Daling sabihin, daling sirain

Paksa : Pagsulat ng isang sanaysay

Pangako : Daling sabihin, daling sirain

Alam nating lahat na ang pagpangako sa isang tao ay hindi madaling gawain. Ito'y mahirap sapagkat may posibilidad na hindi natin matupad ang ating ipinangako. Bilang isang indibidwal, may mga pangako akong natupad at 'di natupad.

Sa panahon ngayon, mahirap na mangako. Ito ay dahil sa hindi tayo nakakasigurado kung matutupad ba talaga natin ito. Ngunit, ang pangako ay pangako. Ito ay dapat nating tuparin dahil nga tayo ay nangako. Sa ibang salita, ang pangako ay dapat nating tuparin maging ano man ang kahihinatnan nito.

Ang pangako nga ay kay daling sabihin ngunit, ito rin ay madaling sirain. Totoo nga, minsan ang pangako ay nagagawa nating sirain. Ito ay marahil hindi natin ito natupad o hindi kayay hindi natin sinubukang tuparin. Bilang isang indibidwal, ako'y naniniwala sa kasabihang, "Ang pangako ay madaling sabihin, at madali ring sirain."

Lubos na Pagmamahal

Paksa : Pagsulat ng tula tungkol sa pag-ibig.

Lubos na Pagmamahal

O mahal ko'y lubos kitang iniibig
Ang pag-ibig ko'y totoo at ligalig
Ito'y puno ng iba't-ibang mga himig
Ni kailanman ay hindi nadadapig

Ngunit ako'y iniwan mong nag-iisa
Bawat oras 'ka'y akong inaalala
Iniisip ang nakaraang ligaya
Umaasa na ikaw ay bumalik pa

Nasaan ka? Ba't ako'y iniwan mo na?
Ito ba ay dahil nagsawa ka?
Wala na ba talaga akong pag-asa?
Ni munting ngiti mo ay wala na

Sana ay bumalik ka pa sa piling ko
Inaasahan ko ang iyong pagdalo
Tinitiis ang hapdi na aking natamo
Ang lahat ng ito'y para lang sa iyo

Simbolismo sa Noli Me Tangere

Paksa : Simbolismo sa Noli Me Tangere


1. Bahay ni Kapitan Tiyago (Simbolo ng maling pamamahala)

• Bahay na pinagdarausan ng handa at may kababaan at di-gaanong wasto ang kayarian sanhi marahil sa di-mabuting pagkakasipat ng arkitektong nagtayo o di kaya'y sa mga nagdaang lindol o bagyo.

◘ Ang kababaan ng bahay ni Kapitan Tiyago ay sumisimbolo sa babang moralidad ng mga Espanyol sapagkat nagawa nilang tapakan ang mga Pilipino na siyang may-ari ng bansa.


2. Bayan ng San Diego (Simbolo ng walang kaunlaran)

• Ang inaani ng mga magsasaka tulad ng asukal at bungangkahoy ay ibinibili ng mga intsik sa murang halaga. Madilim ang gubat dahil sa kakapalan ng mumunti.
◘ Ang bayan ng San Dieo, bagaman may pinagkukunang yaman, sapat pa rin ito para sa pangaraw-araw na kinakailangan ng mga magsasaka. At sa muling pagbalik ni Ibarra pagkatapos ng pitong taon, wala pa rin itong pagbabago.


3. Sisa (Simbolo ng Pamilyang Pilipino)

• Unti-unting binibili o ipinagbili ng asawa ni Sisa ang mga alahas niya at tinitiis niya ang pananakal nito.

◘ Malaki ang ginagampanan ng isang asawa at ina. Tinitiis nito lahat sa pag-aakalang dapat tiisin ang sinimulan at ito ay lalabanan.

Tunggalian ng Noli Me Tangere

Paksa : Pagsulat sa tunggalian ng Noli Me Tangere

A. Tunggalian ng Tao laban sa Tao : Pag-igting ng pangyayari dulot ng pangyayari sa isang tao at kapwa tao.

• Ang tunggaliang ito ay naipakita nina Sida at Doña Consolacion. Ang pangyayaring ito ay naganap nang inutusan ni Doña Consolacion si Sisa na kumanta at sumayaw gamit ang wikang Kastila na siyang nakapaglito kay Sisa. Pinahinto ni Doña Consolacion si Sisa dahil sa malungkot at emosyonal nitong kanta at sa paggamit ng wikang tagalog na naging dahilan sa pagkahiya ni Doña Consolacion.

B. Tunggalian ng Tao laban sa Lipunan : Ang pagkabigo o pagkatagumpay ng tao sa mundong ginagalawan.

• Ang tunggaliang ito ay napapakita ng karanasan ng isang guro noon. Ang mga paaralan sa unang panahon ay matatagpuan sa silong ng kumbento at sa tabi ng karwahe ng kura. Ikinagalit ni Padre Damaso ang malakas na boses ng mga bata sa pagbabasa. Dahil dito, hinamak ang guro ng mga kura.

C. Tunggalian ng Tao laban sa Sarili : Tunggaliang umigting sa pagitan ng isang tao at sa kanyang sarili.

• Maigting ang ganitong sitwasyon sa karanasan ng isang guro ng matuklasan niyang hindi makakatulong ang pamamalo sa pag-aaral ng mga bata.Dahil dito, pinalitan niya ang paraan ng kanyang pagtuturo. Ipinatawag siya ng kuro dahil sa pagtigil ng pamamalo niya sa mga bata aty iniutusang ibalik ang pamamalo. Pati na rin ang mga magulang ng mga bata ay magdedesisyong patigilin ang mga bata sa pag-aaral kung walang pamamalo. Pinilit na lamang ng guro na ibalik ang pamamalo kahit na labag ito sa kanyang kalooban.

Kamang Nagpapagaling

Paksa : Pagsulat ng tula tungkol sa isang kakaibang imbensyon na hindi pa nagawa.

Kamang Nagpapagaling

Ang kamang ito ay nagbibigay saya
Hindi lamang saya, pati na rin komporta
'Pag 'ka'y nakahiga, sugat nawawala
Mga problema mo'y 'di na nadarama

Ang iyong hinagpis ay sadyang mawawala
Mga pagtitiis na nababahala
Kahit simple lang, 'to'y napakaganda
Sa kamang ito'y wala kang alintana

Sa kamang ito'y dadalhin ka saanman
Upang mga sugat mo'y maliwanagan
Pawang mga problemang 'di naiiwasan
Sa pag-higa mo'y ka'y di matatablan

Luha

Paksa : Pagsulat ng tula tungkol sa isang masaklap o malungkot na pangyayari.

Luha

Dito ako'y iniwan mong nag-iisa.
Bawat oras, 'kay aking ina-alala
Iniisip ang nakaraang ligaya
Umaasa na ikaw ay bumalik pa

Nasaan ka? Ba't ako'y iniwan mo na?
Ito ba ay dahil ikaw ay nagsawa?
Ibaling mo ang iyong hiling sa iba
Upang tayo ay muling magkasama

Sana ay bumalik ka pa sa piling ko
Ako'y umaasa sa iyong pagdalo
Tinitiis ang hapdi na aking natamo
Ang lahat ng ito'y para lang sa iyo

Ako at ang Tunay na Paglaya

Paksa : Pagsulat ng isang sanaysay tungkol sa kalayaan.

Ako at ang Tunay na Paglaya

Ako ay nakagapos, nakagapos sa sarili kong pag-iisip. Nakakulong sa mundo na puno ng pag-iinip. Ninanais ko, bilang tao, na makalaya sa mundong ito. Ninanais ko, bilang tao, na makalaya sa mundong ito.

Ako ay isang taong madaling naiinip. Sa lahat ng oras, lagi ko lang iniisip na makalaro na ako sa komputer. Kung wala sigurong komputer sa amin, matagal na akong nakalibing. Kahit sa isang araw na hindi ako makapaglaro, ako ay nagagalit.

Noong nasa hayskul na ako, sinabihan ako ng aking inay na dapat kong kontrolin ang aking sarili. Hindi ko agad nako-kontrol ang aking sarili. Ngunit, dumating ang puntong naging miserable ang buhay ko dahil sa sobrang paglalaro ng komputer. Ako ay naging payat na. Simula noon, nakokontrol ko na ang aking sarili sa paglalaro ng komputer.

Sa huli, ako'y nakalaya sa mundong puno ng pag-iinip. Nakamtan ko ang problemang ito. Dahil dito, tinibayan ko na ang aking sarili at damdamin.

Oh Kay Tamis Sinta!

Paksa : Pagsulat ng tula sa pag-iibigan ng binata at dalaga.

Oh Kay Tamis Sinta!

Oh mahal ko'y lubos kitang iniibig
Ang pag-ibig ko'y totoo at ligalig
Kaya ikaw ay dapat na makinig
Sa mga pagsuyo kong di nadadapig

Sinta ko'y talagang minamahal kita
Pagmamahal na puno ng pag-asa
Ika'y hindi nawawala sa'king mga mata
Ni kailanman ay hindi magsasawa

Basta ito'y lagi mong pagkatandaan
Ako'y laging gagabay sa iyong daanan
'Wag mong pagkatiwalaan ang iba dyan
Tanging ako lang ang nagmamahal ng lubusan

SUPER Mom!

Paksa : Pagsulat ng anekdota tungkol sa isang ina.

SUPER Mom!

Ang ating ina ay may iba't-ibang katangian. Isa sa magandang katangian ng aking ina ang pagiging matulungin. Hindi lang niya iniisip ang kanyang sariling pamilya kundi pati na rin ang kapatid niya na hindi pa rin nakakapagtapos ng pag-aaral.

Noon, nagtatrabaho siya sa Pizza Hut. Siya ang ina na mahilig magtago ng kanyang mga problema sa kanyang sarili. Hindi niya gustong ipa-alam ninuman dahil ito raw ay personal at hindi niya gusto na kami ay mag-alala para sa kanya. Siya pala ay may malaking problema. Wala siyang pambayad sa tuition ng kanyang kapatid at pambayad sa kuryente na tatlong araw na lang ay puputulan na kami.

Ginawa niyang magsikap at mangutang upang makapag-ipon siya ng pera. Gumawa siya ng paraan upang maka-ahon sa problemang ito. Nagtinda siya ng mga binalot na pagkain upang hindi na lumabas sa store ang mga crew sa kanilang store.

Sa huli, nakayanan din niya ang suliraning ito. Kahit kailan ay hindi siya sumuko as mga dagok na dumadaan sa kanyang buhay. Sa halip, siya ay mas naging pursigido na harapin ang mga suliranin na maaaring dumating sa kanyang buhay.

Ang Kawayan

Paksa : Pagsulat ng isang tula tungkol sa kawayan.

Ang Kawayan

Buhay at katulad ng isang kawayan
Matigas, matapang, at 'di-makalawang
Saan man sa bukid ito'y madadatnan
Na tuwirang nakaka-akit ninuman

Kahit anong pagsubok ay haharapin
Ay siguradong malalampasan man din
Na nanatiling nakatayong matigas
Ni kailanman ay hindi umaatras

Kaya kawayan ay bigyang importansya
Huwag mong itaboy at 'wag ibasura
Ito'y mahalaga kaya 'wag putulin
Upang kawaya'y hindi maalanganin

Buod : Noli Me Tangere

Paksa : Pagsulat ng buod ng Noli Me Tangere

Buod : Noli Me Tangere

Ang Noli Me Tangere ay umiikot sa buhay ni Crisostomo Ibarra, na matapos makapag-aral nang pitong taon sa Europa ay nagbalik sa San Diego upang tulungan ang kanyang mga kababayan. Lilitaw ang kanyang repormistang pagkiling sa pagnanais na palaganapin ang edukasyon sa nakakaraming tao. Ngunit, mauunsiyami ang kanyang ideya dahil sa mga pwersang nais wasakin siya. Nabatid ni Ibarra na nakabangga ng kanyang ama si Padre Damaso, na humiya sa kanya. Hindi lamang makapangyarihang pampulitika ang hawak ng nasabing prayle. Ginamit din niya ang kapangyarihan upang akitin ang ina ni Maria Clara na kasintahan ni Ibarra. Isa pang kaaway ni Ibarra si Padre Salvi nang muntik na siyang makapatay sa binata nang pasinayaan ang isang paaralan. Sumiklab ang lahat nang idawit si Ibarra sa isang pag-aaklas na ginatungan ni Padre Salvi. Napiit si Ibarra ngunit iniligtas ni Elias na ang buhay ay iniligtyas din ni Ibarra noong makalipas na panahon. Sa wakas ng nobela, ang lugaming si Ibarra ay nakadama ng madilim na hinaharap.

Ang Gurong Nagbigay-Liwanag sa Aking Buhay

Paksa : Nakasulat ng kwento tungkol sa isang karanasan sa gurong 'di malilimutan.

Ang Gurong Nagbigay-Liwanag sa Aking Buhay

Sa tapat ng simbahan, may isang paaralan, paaralan na kung saan ako ay nag-aaral noong ako ay nasa elementarya pa. May isang guro doon ni hindi ko kailanman malilimutan.
Sa unang araw ng pagkikita namin, ipinakilala niya ang kanyang sarili.

"Good morning to each and everyone. By the way I am.." Ako'y napakagat sa aking labi nang sabik na sabik ko nang malaman ang kanyang pangalan.

"Mercedita Velasquez." Ako ay napa-'wow' sa pangalan niya. Pangalan na kumbaga bagay talaga sa mukha niya, mukha na may potensyal at may matibay na loob.

Pagkalipas ng ilang araw, napa-ibig ako sa kanyang 'subject'. Napa-ibig ako sapagkat palagi niyang sinasabi sa amin kung gaano kahalaga ang Mathematics sa buhay natin. Ito daw ang isa sa pinakaimportantend 'subjects'. Sa karagdagan, palaging nakataas ang kamay ko kapag siya ay nagtatanong.

Isang araw, binigyan kami ng pasulit. Ang pasulit na ito ay may apat na dibisyon, ang ika-apat ang pinakamahirap dahil ito ay binubuo ng problema na dapat analisahin ng mabuti. Sa kabutihang palad, ipinadala niya ito at ipinagawang takdang-aralin.
Kinaumagahan, wala akong kaklase na nakasagot sa problema na iyon. Nabigla ako sa kanyang sainabi,

"Nobody got the correct answer. How come? All you need to do was analyze." Hindi namin inakala magiging ganun ang reaksyon niya.

"Okay, since not even one of you was able to answer my problem, I'm going to show you how to solve it." Isinulat niya sa pisara. Lahat kami ay nabigla dahil napakadali lang naman pala sagutin ng problemang iyon.

"Class, take note that there are many ways to kill a cat. There isn't just one solution to a problem. Instead, use different solutions if possible."

Tumayo ang balahibo ko habang sinabi niya iyon. Nadama ko ang kanyang 'sincerity' sa mga sinabi niya. Ipinaliwanag din niya na sa bawat pagsubok, dapat natin itong harapin at sa bawat problema, may marami itong kaakibat na solusyon na kailangang unawain ng mabuti.

Hanggang ngayon, nasa aking isipan pa rin ang mga katagang iyon. Iyon ang nagbibigay sakin na lakas at tinuturi kong inspirasyon sa pagpapatuloy ng aking landas sa buhay.

Pagpapakitaq ng Pakikipagkapwa-akda ng Dalawang Pelikula o Telenovelang Napanood

Paksa : Istruktura ng Akda

Pagpapakita ng Pakikipagkapwa-Akda ng Dalawang Pelikula o Telenovelang Napanood

Ang dalawang pelikula na napanood ko ay magkaiba ng storya ngunit magkapareho ang aral. Ang aral na ito ay aral na kumbaga isa sa napakagandang aral na dapat nating sundin. Ito ay ang aral na gawin ang lahat ng ating makakaya upang matupad ang ninanais nating pangarap.

Sa kwentong Ice Castles, kahit naging lumpo man si Alexis, hindi ito naging hadlang upang huminto siya sa kanyang pangarap na tinatamasa. Sa Stomp The Yard, kahit pinatay ang pinakamamahal niyang kapatid, hindi pa rin siya tumigil sa pagsasayaw alang-alang kay Duron, ang kapatid niyang pinatay. Ginawa ni DJ ang lahat ng kanyang makakaya upang makapasok sa championship. Sa bandang huli, nanalo si DJ at iba pa niyang kasama.

Magkaiba man ng kwento, magkatulad naman ang aral. Kung susuriin mo ito ng mabuti, ang aral na ito ang siyang nagbibigay sa'yo ng lakas upang tahakin ang makiti na landas. Sa kabuuan, gawin mo ang lahat ng iyong makakaya upang matupad ang ninanais mong pangarap.


Aside ng Isang Babaeng Minalas

Paksa : Kombensyon ng Dula

Aside ng Isang Babaeng Minalas

Tagpuan : Sa isang madilim na kanto sa North Avenue Street, naglalakad si Bella ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sumilong siya sa isang tindahan habang naghihintay siyang tumigil ang ulan. Habang naghihintay, kinausap ang kanyang sarili;

Bella : Ano ba naman ito! Kung kailan wala akong dalang payong, ay kailan rin bubuhos ang ulan. Napakamalas ko naman sa araw na ito. Napakarami ko pa naman proyekto at takdang-aralin na gagawin. hay naku!

Pagkaraan ng dalawampung minuto ay tumigil na rin ang ulan. Tuwang-tuwa si Bella at nagsimula nang lumakad.

Habang naglalakad;

Bella : Hay, salamat sa Diyos at tumigil na rin ang ulan. Aabutan pa yata ako ng gabi kung hindi iyon tumigil.

Nakauwi ng mabuti si Bella. Kumain, hinugasan ang pinagkainan, at natapos rin niya ang kanyang mga proyekto at takdang-aralin.

Suyo ng Pag-ibig

Paska : Nakasulat ng sanaysay tungkol sa pag-ibig.

Suyo ng Pag-ibig

Hindi maiiwasan na mapa-ibig ang isang tao. Kung tumibok na ang puso, nakakagawa na ito ng mga bagay na hindi niya nagagawa noon. Kahit na nahihirapan, ginagawa pa rin niya ang lahat alang-alang sa taong minamahal niya. Ang pag-ibig ay isang natural na damdamin. Ito'y biglaan kung dumating man sa buhay ng tao.

Ang pag-ibig ay isang damdamin na nakakahawa. Maaaring mahawa man ang isang tao kung siya ay napasuyo na sa pag-ibig. Ito'y kailanman hindi maaaring pigilan. Sabi nila, ang tunay na pag-ibig ay walang wakas sapagkat dito nababatay ang tibay ng loob sa dalawang taong nag-iibigan. Ang pag-ibig ay may makabuluhang proseso.

Ito rin ay sadyang napakahalaga sapagkat nasasalamin dito ang tibay ng dadamdamin sa dalawang nag-iibigan. Ito ay dapat rin pahalagahan sapagkat ito ay kusang dumadating sa buhay ng isang tao. Ito rin ang nagsisilbing gabay at ilaw sa maliwanag na bukas. Magkaiba man ang katangian ng dalawang tao, hindi ito hadlang sa pagkamit ng taos-pusong pag-iibigan. Sapagkat ito'y walang pili na panahon, dadating rin ito sa atin kailanman.

Ingang Bayan, Mahal Ko!

Paksa : Pagsulat ng isang tula tungkol sa ating Bayan.

Inang Bayan, Mahal Ko!

Doon sa pook na kinalakihan ko
Magandang likas yaman dulot ng tao
Malaking tulong naibibigay nito
Ng mga biyayang kaloob sa inyo


Datapwat, nasan ang ating kaligtasan?
Nawala ang lahat sa pinanggalingan
Taylong lahat ay mayroon kasalanan
Nitong paglaho ng ating kalikasan

Kaya 'wag natin itong baliwalain
Itong suliraning pinapasan natin
Gawin natin ang ating mga tungkulin
Upang kalikasa'y, manatili sa 'tin