Wednesday, May 26, 2010

Ang Gurong Nagbigay-Liwanag sa Aking Buhay

Paksa : Nakasulat ng kwento tungkol sa isang karanasan sa gurong 'di malilimutan.

Ang Gurong Nagbigay-Liwanag sa Aking Buhay

Sa tapat ng simbahan, may isang paaralan, paaralan na kung saan ako ay nag-aaral noong ako ay nasa elementarya pa. May isang guro doon ni hindi ko kailanman malilimutan.
Sa unang araw ng pagkikita namin, ipinakilala niya ang kanyang sarili.

"Good morning to each and everyone. By the way I am.." Ako'y napakagat sa aking labi nang sabik na sabik ko nang malaman ang kanyang pangalan.

"Mercedita Velasquez." Ako ay napa-'wow' sa pangalan niya. Pangalan na kumbaga bagay talaga sa mukha niya, mukha na may potensyal at may matibay na loob.

Pagkalipas ng ilang araw, napa-ibig ako sa kanyang 'subject'. Napa-ibig ako sapagkat palagi niyang sinasabi sa amin kung gaano kahalaga ang Mathematics sa buhay natin. Ito daw ang isa sa pinakaimportantend 'subjects'. Sa karagdagan, palaging nakataas ang kamay ko kapag siya ay nagtatanong.

Isang araw, binigyan kami ng pasulit. Ang pasulit na ito ay may apat na dibisyon, ang ika-apat ang pinakamahirap dahil ito ay binubuo ng problema na dapat analisahin ng mabuti. Sa kabutihang palad, ipinadala niya ito at ipinagawang takdang-aralin.
Kinaumagahan, wala akong kaklase na nakasagot sa problema na iyon. Nabigla ako sa kanyang sainabi,

"Nobody got the correct answer. How come? All you need to do was analyze." Hindi namin inakala magiging ganun ang reaksyon niya.

"Okay, since not even one of you was able to answer my problem, I'm going to show you how to solve it." Isinulat niya sa pisara. Lahat kami ay nabigla dahil napakadali lang naman pala sagutin ng problemang iyon.

"Class, take note that there are many ways to kill a cat. There isn't just one solution to a problem. Instead, use different solutions if possible."

Tumayo ang balahibo ko habang sinabi niya iyon. Nadama ko ang kanyang 'sincerity' sa mga sinabi niya. Ipinaliwanag din niya na sa bawat pagsubok, dapat natin itong harapin at sa bawat problema, may marami itong kaakibat na solusyon na kailangang unawain ng mabuti.

Hanggang ngayon, nasa aking isipan pa rin ang mga katagang iyon. Iyon ang nagbibigay sakin na lakas at tinuturi kong inspirasyon sa pagpapatuloy ng aking landas sa buhay.

No comments:

Post a Comment