Showing posts with label kalayaan. Show all posts
Showing posts with label kalayaan. Show all posts

Friday, May 28, 2010

Tatlong Araw

Paksa : Pagsulat ng isang tula tungkol sa kalayaan

Tatlong Araw

tatlong araw lang pala
ako naging maligaya
di ko man lang napuna
tatlong araw ko’y tapus na
araw ng kalokohan aking kinagalakan
di ko naunawaan na ako’y masusugatan
di ako makapaniwala at ako’y natulala
lumululong lumalala ngunit bat biglang nawala
tatlong araw lang pala ako naging maligaya
di ko man lang napuna tatlong araw ko’y tapus na
tatlong araw naging masaya isang taong lumuluha
bakit mo kaya nagawa
bakit ka hindi naawa ngunit kung mapagbibigyan
ang patalim ay hahawakan
kahit na magmukhang timang basta magkabalikan
tatlong araw lang pala ako naging maligaya
di ko man lang napuna tatlong araw ko’y tapus na
tatlong araw lang pala diman lang ginawang lima
di ko man lang napuna tatlong araw ko’y tapus na
talong araw

Wednesday, May 26, 2010

Ako at ang Tunay na Paglaya

Paksa : Pagsulat ng isang sanaysay tungkol sa kalayaan.

Ako at ang Tunay na Paglaya

Ako ay nakagapos, nakagapos sa sarili kong pag-iisip. Nakakulong sa mundo na puno ng pag-iinip. Ninanais ko, bilang tao, na makalaya sa mundong ito. Ninanais ko, bilang tao, na makalaya sa mundong ito.

Ako ay isang taong madaling naiinip. Sa lahat ng oras, lagi ko lang iniisip na makalaro na ako sa komputer. Kung wala sigurong komputer sa amin, matagal na akong nakalibing. Kahit sa isang araw na hindi ako makapaglaro, ako ay nagagalit.

Noong nasa hayskul na ako, sinabihan ako ng aking inay na dapat kong kontrolin ang aking sarili. Hindi ko agad nako-kontrol ang aking sarili. Ngunit, dumating ang puntong naging miserable ang buhay ko dahil sa sobrang paglalaro ng komputer. Ako ay naging payat na. Simula noon, nakokontrol ko na ang aking sarili sa paglalaro ng komputer.

Sa huli, ako'y nakalaya sa mundong puno ng pag-iinip. Nakamtan ko ang problemang ito. Dahil dito, tinibayan ko na ang aking sarili at damdamin.